NAGA CITY- Nakatalaan na ipatupad ang Price Freeze kasabay sa pagsailalim o pagdeklara sa buong lungsod ng Naga sa State of Calamity.
Ito ay batay sa ipinalabas na memorandum ng Department of Trade and Industry Camarines Sur Provincial Director Jay Ablan.
Maalala, idineklara ang State of Calamity sa Naga noong Oktubre 23, 2024 sa pamamagitan ng Resolution No. 2024-535 na ipinalabas ng Sangguniang Panlungsod at inaprubahan ni Mayor Son Legacion.
Panawagan ng DTI na ang presyo ng mga basic necessities and goods sa mga wet market, supermarket, groceries, bakeries, at water refilling stations hindi dapat tumaas sa loob ng 60 days sa ilalim ng Republic Act 7581.
Ang pagbalga o hindi pagsunod sa price freeze ay mayroong katumbas na penalidad.