NAGA CITY- Nanindigan ang mga pro-democratic protesters sa Hong Kong na magpapatuloy ang serye ng kanilang kilos protesta sa lugar hanggang sa mga susunod na buwan.
Sa panayam ng Bombo Radyo Naga kay Bombo International Correspondent Ricky Sadiosa, sinabi nitong tuwing sasapit ang lunch break saka naglalabasan ang mga empleyado mula sa iba’t ibang tanggapan para sa kilos protesta sa lugar.
Ayon kay Sadiosa, may ilan sa mga ito na naaresto na at kalauna’y pinalaya rin dahil sa paninira at pagsunog ng ilang establisyimento.
Aniya, nagsimula umanong bumalik ang mga protesta noong New Year’s Eve kung saan umabot sa mahigit 1.3M katao mula sa iba’t ibang lugar ang naki-isa.
Samantala, sa mensahe naman aniya ni Chief Executive Carrie Lam nangako ito ng reconciliation at pagtugon sa demands ng mga protesters sa lugar.