NAGA CITY-Walang naitala na casualty sa probinsya ng Camarines Sur matapos ang paglamasa ng bagyong Pepito sa rehiyong Bicol.
Ito ay basado sa initial reports na isinaysay ng governor ng naturang probinsya.
Sa public post ni Governor Luigi Villafuerte, sinabi nitong dahil sa naging 100% na kooperasyon ng bawat isa sa mga reidente sa isinagawang preparation efforts lalo na aniya sa mga evacuation centers sa kabuoang probinsya, naging successful umano ang kanilang layunin na walang maitala na anumang casualty.
Labis ang pasasalamat nito sa MDRRMOs at sa mga member agencies ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council na tumulong sa operasyon simula pa lang sa pagtaas ng red alert status pati na rin ang pagpatupad ng mandatory evacuation.
Samantala, kanina lang din ay nag-decamp na din sila sa mga evacuation sites at sinegurong naihatid sa kanilang barangay ang mga pamilyang inilikas.
Dagdag pa ni Villafuerte, bago pa man lumakas ang ulan at hangin ng bagyo, nagtulong tulong na ang Municipal Disaster Risk Reduction and Managemnt Office at ilan pang agencies upang mailikas ang 75,154 na pamilya na nakatira sa high risk at vulnerable areas ng probinsya.
Sinabi din ng Gobernador na hindi umano biro ang pinagdaanan upang paghandaan ang naturang super typhoon kaya naman labis ang pasasalamat at tuwa nito dahil ang kinahinatnan ay kaligtasan ng lahat na pamilya at ng mga responders sa naging hagupit ng bagyo.