NAGA CITY- Patuloy na nakamonitor ang Provincial Government ng Camarines Norte sa lagay ng panahon matapos ang naitalang pagbaha sa ilang mga bayan sa lalawigan bunsod pa rin ng malakas na pag-ulan dahil rin sa shearline.

Simula pa noong araw ng Sabado, tuloy-tuloy ang nararanasang pag-ulan sa malaking bahagi ng Rehiyong bikol kasama na ang probinsiya nang Camarines Norte na sanhi sa pag-apaw ng mga ilog at pagbaha sa ilang lugar.

Kaugnay nito patuloy ang monitoring at assistance ng mga line agencies sa nasabing lalawigan upang aksyunan ang sitwasyon.

Dahil na rin sa pagbaha at patuloy na pagtaas ng tubig na nararanasan sa iba’t ibang bahagi ng lalawigan mayroong hindi madaanan na mga kalsada at lugar lalo sa may bahagi ng Labo at Basud.

Advertisement

Ilang kabahayan din sa paligid ng Pantalan Bridge sa bayan ng Basud ang nalubog na sa baha bunsod ng tuluy-tuloy at walang tigil na pag-ulan.

Ayon sa nag-upload ng video, sa kabila ng pagkakaroon ng flood control project sa lugar, hindi pa rin nito napigilan ang pagtaas at pag-apaw ng tubig.

Samantala, tuloy-tuloy naman an paghahakot sa Stranded passengers at paglikas sa mga apektadong residente.

Mahigpit na pinapayuhan ang mga residente sa mga nabanggit na lugar na maging alerto at unahin ang kaligtasan ng bawat isa.

Advertisement