NAGA CITY- Nanawagan ngayon ang Provincial Government ng Camarines Norte sa publiko na iwasan ang pagpapakalat ng mga ‘fake news’ kaugnay ng sitwasyon ng coronavirus disease sa lalawigan.
Sa panayam ng Bombo Radyo Naga kay Atty. Don Culvera, legal counsel at tagapagsalita ng lalawigan, nilinaw nito na walang katotohanan ang mga kumalat na impormasyon na may isang Person Under Investigation (PUI) ang binawian ng buhay sa bayan ng Jose Panganiban.
Ayon kay Culvera, mismong an Department of Health (DOH)-Bicol ang nagkumpirma na walang kinalaman sa COVID-19 ang pagkamatay ng nasabing pasyente.
Aniya, bago pa man magkaroon ng kaso ng naturang sakit sa bansa, may karamdaman na talaga ang naturang biktima.
Kaugnay nito, hangad ni Culvera sa publiko na tigilan na ang pagpapakalat ng mga maling impormasyon na nagpapalala ng sitwasyon at nagdadala na pangamba sa publiko.
Sa ngayon, mayroong pang tatlong PUI ang CamNorte habang 14,083 naman ang PUM’s.