NAGA CITY – Isinailalim sa total lockdown ang Bicol Medical Center – Department of Psychiatry matapos magpositibo sa COVID -19 ang ilan sa mga pasyente at staff nito.
Ito’y sa kabila ng mahigpit na pagpapatupad ng mga health standards at iba’t-ibang infection control protocols ng ospital.
Mababatid na Mayo 23 ng isailalim ito sa lockdown batay na rin sa inilabas na opisyal na pahayag ng BMC.
Ngunit tiniyak naman ng ospital na kasalakuyan ng naka-isolate ang lahat ng mga pasyente at staff na nagpositibo sa nakamamatay na sakit kung saan patuloy na minomonitor ng kanilang Emerging And Re-Emerging Infectious diseases (EREID) team.
Dahil dito, pansamantala munang sinuspende ang Out-patient services ng nasabing ospital.
Kaugnay nito, pinayuhan na lamang ang mga pasyente at mga kamag-anak nito na mayroong follow-up check ups na makipag-ugnayan na lamang muna sa kanilang mga Municipal Health Officers.
Sa ngayon, hangad na lamang ng pamunuan ng ospital ang pang-unawa at panalangin ng lahat para sa mga nagpositibong mga pasyente at staff ng kanilang departamento.