NAGA CITY – Arestado ang isang pulis matapos ang isinagawang buy-bust operation ng mga awtoridad sa Ocampo, Camarines Sur.
Kinilala ang suspek na si PCMS Romeo Penolio Jr., aktibong miyembro ng Philippine National Police (PNP) at naka-assign sa Camarines Sur Police Provincial Office.
Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa CSPPO, napag-alaman na sa isinagawang Entrapment Operation kontra sa nasabing opisyal, nakabili ang nagpanggap na posuer buyer sa suspek ng iligal na droga na nagkakahalaga ng P30,000.00 na nag resulta sa pagkakaaresto dito.
Sa inisyal na imbestigasyon ng mga awtoridad, napag-alaman na bago ang nasabing operasyon, isinumbong na si Penolio sa mga pulis ng isang naaresto na suspek na sangkot din sa iligal na droga.
Napag-alaman din na sangkot pa sa extortion ang nasabing opisyal kapalit ng proteksyon para sa mga drug personalities upang hindi maaresto ang mga ito.
Maliban pa sa pagkolekta ng iligal na droga para sa pansariling pagkonsumo, nirerecycle pa ni Penolio ang nasabing ipinagbabawal na gamot para naman sa mga tumatangkilik dito.
Dagdag pa dito, maliban sa bayan ng Ocampo, mayroon pang ibang mga illegal drug activities ang suspetsado sa bayan naman ng Sagñay.
Sangkot rin umano ang nasabing opisyal sa mga illegal gambling activity.
Sa ngayon, nasa kustodiya na ng mga awtoridad ang suspetsado para sa karampatang disposisyon.