Gumawa ng kasaysayan ang Qatar matapos nilang makuha ang kanilang unang puntos sa World Cup, matapos nilang mabigla ang Switzerland sa 1-1 na tabla sa kanilang unang laban nitong Sabado (Linggo sa Maynila).
Naunang nakapuntos ang Switzerland sa unang bahagi ng laro nang maisalpak ni Breel Embolo ang penalty kick sa ika-13 minuto.
Bagama’t kontrolado ng mga Swiss ang karamihan ng laban at nakapagpakawala ng 26 na tira, hindi nila tuluyang natuldukan ang laro dahil sa matatag na depensa ng Qatar.
Sa huling bahagi ng laban, nabawi ng Qatar ang pagkakataon matapos magtamo ng sariling goal ang Swiss player na si Miro Muheim sa ika-94 minuto ng injury time. Nangyari ito dahil sa matinding presyur mula sa kapitan ng Qatar na si Boualem Khoukhi, na nagdulot ng masigabong selebrasyon sa koponan.
Ito ang ikalawang beses na nakapasok ang Qatar sa World Cup finals matapos silang maging host noong 2022. Isa rin itong mahalagang sandali dahil ito ang unang pagkakataon na nakapag-coach sa World Cup ang kanilang Spanish mentor na si Julen Lopetegui.
Sa susunod na Huwebes, makakaharap ng Switzerland ang Bosnia sa Los Angeles, habang ang Qatar naman ay lalaban kontra co-host na Canada sa Vancouver.














