NAGA CITY- Bumuo na ng Special Investigation Task Force SITG ang mga otoridad matapos ang nangyaring panununog sa sasakyan ng isang abogado at mga kasamahan nito sa Brgy. San Francisco, Tiaong Quezon.
Kinilala ang abogado na si Atty. Edgardo Loyola Mendoza at ang dalawang kasamahan nito na sina Ruel Ruiz at Nicanor Mendoza.
Sa nakalap ng impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Quezon Police Provincial Office QPPO, sinasabing binubuo ang nasabing task force ng Criminal Investigation and Detection Group CIDG, Tiaong MPS, Quezon Highway Patrol Group QHPG, Provincial Crime Lab Operation Branch POPB , Provincial Investigation and Detection Management Branch PIDMB, National Bureau of Investigation, Batangas MPS at Quezon Public Information Office upang matunton sa lalong madaling panahon ang mga suspek sa nasabing krimen.
Sa ngayon, patuloy ang imbestigasyon ng SITG hinggil dito, maging ang pagkalap ng mga posibleng ebidensya at CCTV footages sa mga katabing lugar na pinangyarihan ng krimen.
Kung maaalala, kamakailan nang matagpuan sa sa San Francisco Bridge sa nasabing bayan ang tatlong sunog na bangkay ni Mendoza kasama ang driver at bodyguard nito sa mismong sasakyan nito.