NAGA CITY- Tiniyak ng pamunoan ng Quezon Police Provincial Office na hindi kokonsintehin ang pagiging sangkot sa extortion ng mga naarestong police ng Candelaria PNP.
Sa panayam ng Bombo Radyo Naga kay PMaj. Lalaine Malapascua, spokesperson ng Quezon Police Provincial Office (QPPO) sinabi nitong magiging patas ang mga otoridad sa pagpasasagawa ng imbestigasyon sa kaso.
Una rito pansamantalang munang ni-relieve sa pwesto ang Hepe ng Candelaria PNP habang nag papatuloy ang kaso.
Ito ay para matiyak na walang mangyayaring pag control ang nasabing mga opisyal sa isasagawang imbestigasyon.
Ayon kay Malapascua, sa ngayon pansamantalang hahawakan muna ni PMaj Gelier Pagala, PIB officer ang Candelaria PNP habang nagpapatuloy ang imbestiogasyon sa nangyaring krimen.
Kung maaalala una nang napabalita ang pagkakaaresto sa limang pulis at apat na civilian asset na nakacustodiya ngayon sa Quezon Police
Provincial Office (QPPO) matapos masangkot sa extortion sa Maharlika Highway, Poblacion sa Sito Putol, Brgy Masin Sur, Candelaria, Quezon.