NAGA CITY- Nakipag-ugnayan na ang Provincial Health Office sa lokal na gobyerno ng Quezon para sa mga susunod na hakbang dahil sa pagkakabilang nito sa extended Enhanced Community Quarantine (ECQ).
Sa panayam ng Bombo Radyo Naga kay Dr. Grace Santiago, Provincial Health Officer ng nasabing lugar, sinabi nito na kasama sa kanilang kinausap ay ang gobernador ng probinsya at ang alkalde ng lungsod ng Lucena.
Ito’y dahil sa isa ang Lucena City sa lugar na may pinakamataas na bilang ng may confirmed cases ng coronavirus disease (COVID-19) sa probinsya.
Umaasa naman ang mga ito na sa Mayo 15 ay mapapabilang na ang lugar sa General Community Quarantine (GCQ) at mababawasan na ang bilang ng mga tinatamaan ng COVID-19 sa lugar.
Samantala, ayon kay Santiago bukod sa natanggap na mga nitong donated na Personal Protective Equipments (PPE’s) bumili rin ang ahensya ng halos 8,000 na mga PPE’s.
Sa ngayon, patuloy pa rin sa pag-paalala ang kanilang opisina na huwag makampante kahit pa i-lift na ang ECQ sa probinsiya at gawin na lamang itong GCQ.