NAGA CITY- Hinihintay na lamang umano ng Quezon province ang mga testing kits upang maisailalim na sa swab testing ang mga covid-19 suspects sa lugar.
Ito’y matapos ang patuloy na paglobo ng bilang ng mga nagpopositibo dito sa kabila ng pananatili pa nito sa Extreme Enhanced Community Quarantine (EECQ).
Sa panayam ng Bombo Radyo Naga kay Dr. Grace Santiago, Provincial Health Officer sa nasabing lugar sinabi nito na kasama sa posibleng isailalim sa eksaminasyon ay ang nagkaroon ng direct at closed contact pati na rin ang mga frontliners at healthcare workers.
Sa ngayon umabot na sa 73 ang confirmed cases, 40 ang nakarekober habang nananatili pa rin sa pito ang bilang ng mga binawian ng buhay.
Samantala napag-alaman na lagpas sa 1,000 na ang numero ng mga suspect cases sa buong probinsiya.