NAGA CITY- Masayang inanunsiyo ni Rachel Peters ang kaniyang pagbubuntis sa first baby nito kay Camarines Sur Governor Migz Villafuerte.

Sa kaniyang ibinahaging larawan sa kaniyang Instagram, nabatid na 18-weeks na itong nagdadalang-tao.

Kaugnay nito, nagpahayag rin ng kasiyahan si Governor Migz sa pamamagitan ng pagbahagi ng isang larawan kung saan hawak nito ang baby bump ng kaniyang fiancee.

Kung maaalala, taong 2019 nang ma-engaged sina Peters at Villafuerte at plano sanang ikasal noong 2020 sa Singapore ngunit pinagpaliban ito dahil na rin sa banta ng COVID-19 pandemic.

Mababatid na nakilala si Rachel Peters nang kinatawan nito ang Pilipinas sa Miss Universe 2017.