NAGA CITY- Mas nagiging agresibo na umano ang mga protester ngayon sa Hongkong habang nawawalan na rin ng kontrol ang mga otoridad kontra sa mga ito.
Sa report ni Bombo International Correspondent Ricky Sadiosa, sinabi nitong maraming mga kabahayan, simbahan at paaralan ang apektado.
Ilang mga establishemento at mga pag mamay-ari ng China ang sinusunog din ng mga raliyista.
Kaugnay nito, nagsara na aniya ang ibang mga tindahan at negosyo sa lugar.
Ayon kay Sadiosa, inaasahang magpatuloy pa ang nasabing pag-aalsa hanggang sa araw ng huwebes o biyernes ngayong linggo.
Ngunit sa kabila ng lumalalang kaguluhan, nanindigan parin aniya si Chief Executive Carrie Lam na hindi masusunod ang ano man na kagustuhan ng mga raliyista sa Hongkong.