NAGA CITY- Arestado ang Rank 1 Municipal Most Wanted Person sa isinagawang Manhunt Charlie ng mga awtoridad sa Brgy. Bantigue, Pagbilao, Quezon.

Kinilala ang suspek na si Estilito Etcubañas, 71-anyos, residente ng naturang lugar.

Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Quezon Police Provincial Office, napag-alaman na ang naarestong suspek ay mayroong nakabinbin na warrant of arrest sa ilalim ng Criminal Case Nos-2014-1063 sa kasong Frustrated Murder na ibinaba ng RTC Branch 53 noong Hunyo 24, 2022.

Sa inisyal na imbestigasyon ng mga awtoridad, nabatid na nasangkot ang suspek sa isang mainit na diskusyon sa kainuman noong taong 2014 sa naturang bayan kung saan sinubukan nitong patayin ang biktima sa pamamagitan ng pagsaksak dito na mapalad na nakaligtas.

Sa ngayon, nasa kustodiya na ng mga otoridad ang suspek para sa karampatang kaparusahan.