NAGA CITY- Hawak na ng mga awtoridad ang isang magsasaka at kinokonsidera na Rank 1 Municipal Most Wanted Person sa Presentacion, Camarines Sur.
Kinilala ang akusado na si Julie Bracero, 40-anyos, residente ng Brgy. Bicalen, nang naturang bayan.
Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Camarines Sur Police Provincial Office, napag-alaman na naaresto si Bracero sa bisa ng warrant of arrest na inihain laban dito para sa kasong murder at Frustrated Murder.
Wala naman na rekomendadong piyansa ang korte para sa kasong Murder habang P200,000.00 naman ang rekomendadong piyansa para sa kaso nitong Frustrated Murder para sa temporaryong kalayaan ni Bracero.
Sa ngayon, nasa kustodiya na ng mga awtoridad ang akusado para sa kaukulang kaparusahan.