NAGA CITY- Arestado ang isang lalaki na nahaharap sa patung-patong na kaso ng rape sa San Jose, Camarines Sur.

Kinilala ang akusado na si Hadjie Ortiz, 38 anyos, residente kan Sitio Dahug, Barangay Calalahan, sa nasambitan ng banwaan.

Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Camarines Sur Police Provincial Office (CSPPO), nabatid na naaresto si Ortiz sa bisa ng warrant of arrest para sa kasong 6 counts of rape laban sa nasabing suspek at walang inirekomendang piyansa.

Kaugnay nito, nabatid na itinuturing na Ranked number 5 Municipal Most Wanted Person rin si Ortiz.

Sa ngayon, nasa kustodiya na kan mga awtoridad ang suspek para sa karampatang disposisyon.