Pinangunahan ni Noel Rosal ang Regional Development Council (RDC) Full Council Meeting ngayong Marso 18 sa Naga City, kung saan tinalakay ang mga programa, aktibidad, at proyekto para maisama sa Regional Development Investment Program.

Ayon kay Rosal, prayoridad na mapabilis ang implementasyon ng mga flagship project, kabilang ang pagkumpleto ng mga paliparan sa Masbate, Catanduanes, Camarines Norte, at Naga City, alinsunod sa pag-apruba at pag-endorso ng buong konseho.

Binigyang-diin din ng gobernador ng Albay na nakatuon ngayon ang RDC sa pagpapalawak ng suporta sa mahahalagang sektor gaya ng turismo, agrikultura, at transportasyon upang mapalakas ang ekonomiya ng rehiyon.

Dumalo rin sa pulong si Leni Gerona Robredo, na tumanggap ng sertipiko ng pagkilala bilang pasasalamat sa patuloy na suporta at pakikipagtulungan ng lokal na pamahalaan ng Naga sa mga programa at inisyatiba ng RDC.

Advertisement

Inaasahan ng konseho na sa pamamagitan ng mas pinaigting na koordinasyon sa mga lokal na pamahalaan, mas mapapabilis ang pagpapatupad ng mga proyektong magdudulot ng pangmatagalang kaunlaran sa Bicol Region.

Advertisement