NAGA CITY- Tuloy-tuloy ang mga programa ng pamahalaan na nakalaan para sa re-integration ng mga sumusukong miyembro ng New People’s Army (NPA) sa Camarines Sur.
Kung maalala, umabot sa 36 na mga dating miyembro ng rebeldeng grupo ang sumuko sa tropa ng gobyerno sa nasabing lalawigan.
Kaugnay nito, sa naging pagharap naman ni BGen. Adonis Bajao, ADC ng 9ID, Philippine Army sa mga kawani ng media, sinabi nito na ang mga magagandang mga proyekto ng pamahalaan ang nakahikayat sa mga rebeldeng grupo para piliing mamuhay na nang tahimik kapiling ang kanilang mga pamilya.
Aniya, kasama sa matatanggap na benepisyo ng mga sumukong dating NPA ang livelihood program, educational program para sa kanilang mga anak, housing program gayundin ang paglilinis sa kanilang mga record.
Sa ngayon, patuloy pa rin ang monitoring ng pamahalaan sa mga sumukong indibidwal gayundin ang pagbibigay ng kaukulang seguridad sa mga ito.