NAGA CITY- Nanawagan ngayon si Camartines Sur 3rd district Representative Gabriel Bordado sa mga Bicolano na bantayan ang paglabas ng resulta ng electoral protest na isinampa ni dating Sen. Bongbong Marcos laban kay Vice President Leni Robredo.
Ayon kay Bordado, dapat hindi magpabaya ang mamamayan para maging maganda ang resulta ng naturang recount na pinangunahan ng Presidential Electoral Tribunal (PET).
Maaalala na all set na sana ang gagawing aktibidad ng mga taga suporta ng Bise Presidente sa Naga City at Camarines Sur noong nakaraang linggo sa pag-aakalang ilalabas na ang resulta ng recount ngunit hindi napigilang madismaya ng mga ito hindi matuloy.
Kaugnay nito, umaasa naman ang kampo ng bise presidente na matutuloy na bukas, Oktubre 15 ang pagsasapubliko ng naturang resulta.
Sa kabilang dako, buo naman ang paniniwala ni Bordado na walang nangyaring
dayaan sa Vice Presidential Race noong nakaraang 2016 election.