NAGA CITY- Dahil sa Coronavirus Disease (COVID-19) nakipag-uganayan na umano sa mga Filipino sa Cambodia ang Philippine Embassy para sa posibleng repatriation.
Sa report ni Bombo International Correspondent Charlene Karla Zamudio sinabi nito na dahil marami ang mga pinoy na naninirahan sa lugar napagdesisyunan ng ahensya na magkaroon ng limitasyon ang pagkuha sa mga OFW dito.
Ayon kay Zamudio, sinabi ng ahensya na sa bawat isang probinsya sa lugar ay kailangan limang tao lamang ang maaaring mai-repatriate ng ahensya at maghintay na lamang umano ng mga susunod pang batch ang iba.
Sa ngayon, patuloy namang umaasa ang mga OFW sa lugar sa mga susunod pang hakbang ng gobyerno.
Samantala umaasa naman umano ang mga OFW sa lugar na makakatanggap rin sila ng ayuda mula sa mga programa ng gobyerno ng Pilipinas.
Habang kinumpirma naman ni Zamudio na maayos ang kalagayan ng mga pinoy dito dahil simula ng ipatupad ang lockdown sa bansa ay sagot ng kanilang employer ang kanilang pagkain at tirahanan.Top