Naghain si Republican Rep. Thomas Massie ng Kentucky ng impeachment laban kay US Defense Secretary Pete Hegseth kaugnay ng umano’y agresibong kampanyang militar ng Estados Unidos laban sa Iran.

Noong Lunes, Nobyembre 9, inihain ni Massie ang walong articles of impeachment na nag-aakusa kay Hegseth ng pagsasagawa ng operasyong militar nang walang pahintulot ng Kongreso at pang-aabuso sa kaniyang kapangyarihan bilang pinuno ng Pentagon.

Kabilang sa mga alegasyon ang paglabag sa 1973 War Powers Resolution at pagkakasangkot sa mga operasyong militar sa Yemen at Venezuela na umano’y nagdulot ng pinsala sa mga sibilyan.

Itinanggi naman ng Pentagon ang mga paratang at tinawag si Massie na isang “disgruntled congressman.”

Advertisement

Samantala, ipinahayag ni US President Donald Trump ang suporta kay Hegseth at pinuri ang kaniyang pamumuno sa mga operasyong militar laban sa Venezuela at Iran.

Gayunman, may ilang Republican lawmakers na nagpahiwatig ng posibilidad na suportahan ang hakbang ni Massie kasama ang mga Democrat.

Lalong nabigyan ng momentum ang impeachment matapos ang pagkapanalo ng mga Democrat sa midterm elections, na iniuugnay sa pagkadismaya ng mga botante sa pagtaas ng presyo ng langis dulot ng digmaan sa Iran.

Inaasahang sisimulan sa Miyerkules ang pagboto ng mga mambabatas sa impeachment resolution laban kay Hegseth.

Advertisement