NAGA CITY- Sa kabila ng mga kilos protesta sa bahagi ng Ohio sa Estados Unidos dahil sa pagkakabaril sa isang Black African-American na si Jacob Blake, tila natuto na aniya ang mga tao sa lugar dahil sa pagdami ng kaso ng COVID-19 sa bansa.
Sa ulat ni Bombo International Correspondent Virgie Contreras, sinabi nito na nag-aalangan ang mga tao na lumabas ngunit mayroon pa ring mga malalakas ang loob para magsagawa ng mga kilos protesta.
Dahil kung maaalala, una nang nabalita ang insidente ng pagkamatay ni George Floyd kung saan dahil din sa mga isinagawang kilos protesta ay dumami ang kanilang kaso ng COVID-19.
Dagdag pa nito, tila ayaw din ni Donald Trump na malipat ang atensiyon sa mga kaliwa’t kanan na mga protesta kung saan maging ang media ay naka-focus rin sa nagaganap na Republican National Convention.
Ayon pa kay Contreras, ilan din sa mga Black African-American ang nakapagsabi hinggil sa suporta umano ni Trump sa naturang komunidad ngunit wala naman aniyang naibigay na magandang ehemplo.
Samantala, apela rin ni Joe Biden sa lahat na magkaroon ng kaluluwa ang Estados Unidos dahil hindi nito suportado ang structural racism.