NAGA CITY- Umabot na sa mahigit 6,806 na inidbidwal sa lungsod ng Naga ang nananatili ngayon sa evacuation center dahil sa banta na dala ng bagyong Rolly.
Ito’y matapos na ibaba ni Naga City Mayor Nelson Legacion ang memorandum hinggil sa pagpapatupad ng preemtive evacuation.
Kaugnay nito sa kasalukuyan kasama ang nasabing lungsod sa nakasailalim sa Tropical Cyclone Wind Signal No.4 kasabay ng ilan pang mga bayan sa probinsya ng Camarines Sur.
Sa naging pahayag ng alkalde, nagpaalala ito na mahigpit umanong sundin ang pagkakaroon ng Physical distancing at tamang pag gamit ng Facemask.
Kaugnay nito pinaalalalahanan rin nito ang mga Barangay MDRRMC na tiyakin na nasa 30% lamang ang maaaring gumamit na mga inidbiwal sa kada evacuation room sa nasabing lugar.