NAGA CITY – Natupok ng apoy ang isang single-storey residential house sa Camaligan, Camarines Sur.
Nabatid na ang naturang residensiya ang pagmamay-ari ni Eumilyn Basbas, residente ng Zone 2, Sto. Tomas, sa nasabing bayan.
Sa panayam ng Bombo Radyo Naga kay FO1 Reymund Zuela, imbestigador ng Bureau of Fire Protection (BFP)- Camaligan, sinabi nito kahapon ng hapon, Abril 22 nang mangyari ang naturang insidente.
Ayon dito, nang matanggap aniya nila ang tawag ay agad silang rumesponde sa lugar gamit ang anim na fire truck para apulahin ang nasabing sunog.
Ngunit sa kasamaang palad ay tuluyan pa ring natupok ng apoy ang nasabing bahay bago pa man ito maapula.
Ayon pa kay Zuela, ipinagpapasalamat na lamang umano nito na walang nasaktan o nadamay na residente sa nasabing sunog at wala rin umanong nadamay pa sa insidente.
Sa ngayon, patuloy pa ring inaalam ng mga otoridad ang pinagmulan ng nasabing sunog gayundin ang kabuuang pinsala sa naturang insidente.