NAGA CITY – Bumuo ngayon ng resolusyon ang bayan ng Nabua sa Camarines Sur na pumapayag sa magkakapamilya na umangkas sa motorsiklo sa kabila ng nagpapatuloy na General Community Quarantine.

Sa panayam ng Bombo Radyo Naga ki Nabua Councilor Junjay Fortuna, sinabi nito na nakahanda umano siya na magpaliwanag kung sakali na masita ng Department of Interior and Local Government (DILG) at Inter-Agency Task Force (IATF).

Ito’y sa kabila ng ibinabang ordinansa ng IATF na nagbabawal sa angkas dahil paglabag ito sa ipinapatupad na social distancing dahil sa COVID-19 pandemic.

Ang naturang hakbang umano ay dahil nakita niya ang pangangailangan ng kaniyang mga kababayan.

Sa kabila nito, nilinaw ng konsehal na hindi nito intensyon na salungatin ang national government.