NAGA CITY- Tinatayang umabot na sa 4,417 ang bilang ng mga returning OFW sa Bicol Region basado sa datos ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA)-Bicol.

Sa panayamn ng Bombo Radyo Naga kay Rowena Alzaga, tagapagsalita ng nasabing ahensya sinabi nito na sa huling datos 71 na indibidwal ang panibagong naidadagdag dito.

Ayon kay Alzaga pinakamaraming bilang ng mga returning OFW ang probinsya ng Albay sumunod ang Camarines Sur, Sorsogon, Camarines Norte at ang dalawa pang island province.

Ayon dito pagdating sa mga drop off point, ang LGU na umano ang bahala kung paano ang systema na kanilang susundin para sa safety protocols ng mga ito.

Karamihan umano sa mga returning OFW ay mula sa Middle East at Asian Countries ang napagdesisyonan ng umuwi sa bansa dahil sa epekto ng pandemia na Coronavirus Disease.

Samantala ayon kay Alzaga ngayong araw inaasahan naman ang pag dating pa ng mga busses sakay ang dagdag pang bilang ng mga returning OFW sa rehiyon.