NAGA CITY – Isa ring dating inmate na nakasabay sa nakalaya sa bisa ng Good Conduct Time Allowance (GCTA) ang sumuko sa Batangas.

Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga mula sa Batangas Police Provincial Office (BPPO), nabatid na personal na sumuko si Laureano Cantor, 46-anyos kasama ang kanyang kapatid sa San Juan Municipal Police Station.

Si Cantor ang unang nakulong noong Pebrero 22, 1993 dahil sa kasong Robbery with Homicide at Attempted Murder habang nakalaya naman noong Agosto 19, 2019.9.10

Sa ngayon, nananatili na sa kustodiya ng mga otoridad si Cantor para sa karampatang disposisyon.