NAGA CITY – Umaasa ngayon ang kampo ni Vice President Leni Robredo na magtataposna ngayong arawang isyu sa electoral protest na isinampa ni dating Sen. Bongbong Marcos laban kay Robredo.
Sa panayam ng Bombo Radyo Naga kay Camartines Sur 3rd district Representative Gabriel Bordado, sinabi nitong umaasa silang ibabasura na ang kaso ng Presidential Electoral Tribunal (PET) lalo na kung wala namang nakitang anomalya sa resulta ng naturang protesta.
Buo rin ang paniniwala ng mga taga suporta ni Robredo, ito parin ang panalo sa ginawang recount at walang nangyaring dayaan sa Vice Presidential Race noong 2016 election.
Samantala, nanawagan naman si Naga City Vice Mayor Nene De Asis, sa Supreme Court na kilalanin at irespeto ang boto ng publiko.
Ayon sa bise alkalde, tuloy- tuloy ang kanilang pagsuporta sa Bise Presidente dahil para sa lahat na Bicolano si Robredo ang totoong na nanalo sa Vice Presidential Race.
Kung maaalala, limang oras ang ginawang solidarity gathering ng mga taga suporta ni Robredo kahapon bilang bahagi umano ng pagsalubong sa resulta ng naturang electoral protest.