NAGA CITY– Kinondena ni Vice President Leni Robredo ang minadali umanong pagkansela ni Presidente Rodrigo Duterte sa Visiting Forces Agreement[VFA] sa pagitan ng Pilipinas at Estados Unidos.

Sa naging pagharap nito sa mga kagawad ng media, sinabi nitong hindi niya lubos na maunuwaan kung bakit minadali ng administrasyon ang pagkansela sa VFA.

Ayon kay Robredo, noong may isyu at banta ng Novel Coronavirus sa bansa ay hindi ito agad umaksyon ngunit pagdating sa isyu ng VFA tila hindi man lamang pinag-isipan.

Aniya, pala-isipan rin kung bakit hindi man lamang pinakinggan ng Presidente ang kaisipan at pakiusap ng iba’t ibang opisyal at sektor ng pamahalaan hinggil sa nasabing isyu.

Samantala, nanindigan naman si Robredo na mali ang ginawang hakbang ng administrasyon sa pagtataya ng seguridad ng bansa dahil lamang sa kinanselang visa ni Sen. Ronald dela Rosa.