Robredo, tiniyak na alam niya ang kanyang limitasyon bilang drug czar
NAGA CITY – Tiniyak ni Vice President Leni Robredo na alam niya ang kanyang limitasyon bilang co-chairman ng Inter-Agency Committee on Anti-Illegal Drugs (ICAD).
Sa pagharap ni Robredo sa mga kagawad ng media, sinabi nitong sa kabila ng naturang mga limitasyon, sisikapin parin niyang magampanan ng maayos ang tungkulin na ibinigay ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Binigyang diin din nito na susunod lamang siya sa kung ano ang tungkulin ng isang co-chaiman ng (ICAD).
Maliban dito, titiyakin aniya ni Vice President Robredo na hindi masasayang ang opurtunidad na ipinatong sa kanyang mga kamay.
Una rito ayon sa Bise Presidente, sa ngayon dapat munang mabuo ang mga plano para makita rin kung angkop ba ang budget na inilaan ng pamahalaan para sa ICAD.
Inaasahan naman ng opisyal ang suporta mula sa iba’t ibang ahensyang katuwang sa pag-sugpo ng illegal na droga sa bansa.Top