NAGA CITY- Umaasa ngayon si Vice President Leni Robredo na maninindigan ang Kongreso bilang representante ng mga tao hindi lamang ng iilang indibidwal.
Ito’y may kaugnayan sa paghain ng quo warranto petition ni Solicitor General Jose Calida sa Supreme Court laban sa isyu ng ABC-CBN sa kanilang prangkisa.
Sa pagharap ni Robredo sa mga kagawad ng media sa Camarines Sur, sinabi nitong alam naman ng lahat na ang Kongreso ang may kapangyarihan na mag-isyu o magrenew ng prangkisa kung kaya dapat nila itong panindigan.
Ayon pa sa Bise Presidente, sa tingin niya, tila naaabuso na sa ngayon ang provision ng quo warranto.
Aniya, hindi lamang ang mismong kumpanya o negosyo ang apektado rito ngunit pati na ang karapatan ng mamamayan sa malayang pagpapahayag.
Nanindigan si Robredo na kung totoong may paglabag sa batas ang kumpanya, dapat na idaan ito sa proper forum.
Ang nakakatakot aniya sa ngayon ang natotohanan na tila nauulit na naman ang panahon ni dating Pangulong Ferdinand Marcos na kung hindi nagugustuhan, dinadaan agad sa dahas, pananakot at panggigipit.
Sa mga ganitong uri ng problema, umaasa si Robredo na ang rule of law ang masusunod.