Hinikayat ni Lingayen-Dagupan Archbishop Socrates Villegas ang mga Katoliko na magdasal ng Rosaryo sa nagpapatuloy na agresibong hakbang ng China sa West Philippine Sea.
Ang nasabing “Rosary Campaign” ay magsisimula sa Hunyo 27 at magtatapos sa Agosto 15 o ang kapiyestahan ng Solemnity of the Assumption of the Blessed Virgin Mary.
Ikinabahala ni Archbishop Villegas ang nagpapatuloy na agresibong aksyon ng China sa pinag-aaagawang teritoryo lalo na’t nakakaapekto ito sa buhay ng mga Pilipinong mangingisda at pagkasira umano ng karagatan.
Nanawagan din ang dating pangulo ng Catholic Bishop Conference of the Philippines sa mga mamamayan na ipagtanggol ang bansa at sa mga militar na magpatrolya sa karagatan ng bansa para maprotektahan ang mga mangingisda.
Dagdag pa ni Villegas, kailangan din na magsagawa ng hakbang ang mga mambabatas upang mapanagot ang mga nasa likod ng pagpapamahak sa national security at interest ng bansa.