NAGA CITY- Malaki aniya ang tsansa ng running mate ni Joe Biden na si Kamala Harris na manalo sa pagka-bise presidente sa Estados Unidos.
Sa ulat ni Bombo International Correspondent Virgie Contreras, sinabi nitong dahil sa pagtakbo ni Harris sa pagka-bise presidente, labis ang kasiyahan ng karamihan dahil mas magiging maganda umano ang representation sa mga kababaihan.
Nabatid kasi na si Harris ang unang babae na tumakbo sa isang major position sa naturang bansa.
Napag-alaman din na dati itong Attorney General sa San Francisco at napanalunan ang pagka Senador sa California.
Aniya, napakaganda ng background ni Harris dahil isa umano itong magaling na abogado at nagtapos ito sa University of California, College of Law.
Sa ngayon, isa sa mga ninanais ni Harris kung sakaling manalo ito bilang bise presidente na magkaroon ng “equality, liberty and justice” para sa lahat.