Mariing binatikos ng Samahan ng Progresibong Kabataan (SPARK) ang bagong “Safer Cities Initiative” ng DILG sa Metro Manila, na anila’y pumipigil sa karapatan ng kabataan at informal workers at maaaring mauwi sa pang-aabuso ng kapangyarihan.

Giit ng grupo, may matagal nang record ang pulisya sa profiling at pangha-harass sa mga kabataan, lalo na sa mga tinatawag na “geng-geng.” Binatikos din nila ang pagpapatupad ng 10PM curfew para sa mga menor de edad, na anila’y humahadlang sa malayang paglalakbay at lehitimong aktibidad ng kabataan.

Ayon sa SPARK, maraming kabataan at informal workers ang walang ID, kaya madaling mapagkamalan at ma-target ng awtoridad. Hinamon nila si DILG Secretary Jonvic Remulla na magpakita ng ebidensiya na epektibo ang curfew sa pagbawas ng krimen.

Nagbabala rin ang grupo na posibleng maulit ang pang-aabuso ng pulisya gaya ng naranasan noong COVID-19 lockdown, at nanawagan ng mas makatarungan at patas na polisiya para sa kabataan.

Advertisement
Advertisement