Kinilala bilang pinakaunang bansa sa Southeast Asia ang Thailand kung saan legal na ang same-sex marriage.
Maalala, inaprubahan ng senate upper house sa botong 130 na mayroong 18 abstentions ang mga pagbabago sa marriage law na pumapayag na makasal ang same-sex couples.
Ang nasabing batas ay iaakyat kay King Maha Vajiralongkorn para sa royal assent at paiiralin 120 araw matapos ilathala sa opisyal na Royal Gazette.
Magiging ikatlo ang Thailand sa Asya kung saan maaaring ikasal ang same-sex couples, kasunod ng Taiwan at Nepal, at umaasa ang mga sumusulong nito na pagsapit ng Oktubre ay maipagdiriwang na ang mga unang kasal.
Binago naman ng batas ang pagtukoy sa “men”, “women”, “husbands” at “wives” sa marriage laws sa gender-neutral terms.
Binibigyan din nito ang same-sex couples ng parehong karapatan tulad ng sa heterosexuals pagdating sa pag-aampon at mana.