NAGA CITY – Nakafull alert status na rin ang San Jose Municipal Police Station kaugnay ng Semana Santa.
Sa panayam ng Bombo Radyo Naga, PCPT. Mark Spaña, OIC ng San Jose MPS, na noong nakaraang linggo pa lamang ay inihanda na ang kanilang deployment personnel kung saan nakipagpulong sila sa iba pang law enforcement agencies gaya ng BFP, Philippine Army, Philippine Coast Guard at MDRRMO para dito.
Ayon kay Spaña, hindi lang sa pamamahala ng kalsada ang kanilang tututukan kundi babantayan din nila ang mga simbahan, paliguan o tourist spots na bibisitahin ng mga turista.
Dagdag pa rito, bawal mag-leave o day off ang mga tauhan ng PNP maliban kung may nararamdaman.
Samantala, nagtatag din sila ng Motorist Assistance Center (MAC) kasama ang mga miyembro ng Rural Health Units, MDRRMO, BFP at iba pang ahensya na mananatili hanggang matapos ang Summer Vacation.
Dagdag pa rito, maraming nagsagawa ng Visita Iglesia ay nagmula sa malalayong lugar tulad ng Metro Manila lalo pa’t ang kanilang bayan ang rutang patungo sa Caramoan.
Sa nasabing bayan, isasagawa naman ang live na Biblical characters na tampok sa “Kinurubong” o Stations of the Cross, kung saan ito namang ang dinaryo sa naturang bayang dahil mga tao mismo ang gumaganap sa bawat Stations of the Cross habang mala istatwa silang hindi gumagalaw hanggang matapos ang prusisyon. Ito ay nakaugalian nang gawin ng mga nakatira sa bayan bilang panata.