NAGA CITY – Kasalukuyan ng nakasailalim sa quarantine ang sanggol ng nanay na binawian ng buhay na kalaunan ay nag-positibo sa COVID-19 sa Sagñay, Camarines Sur.
Kung maaalala, kahapon ng bawian ng buhay ang naturang nanay na kinilala bilang si Bicol Patient No. 8798.
Sa panayam ng Bombo Radyo Naga kay Mayor Jovi Fuentebella, alkalde sa nasabing bayan, sinabi nito na kasama ng sanggol ang mga kamag-anak nito na inobliga ring magsailalim sa quarantine.
Ito ay habang hinihintay pa ang magiging resulta ng antigen test sa mga ito kung saan umaasa naman ang alkalde na asymptomatic ang mga ito sa COVID-19.
Sa kabila nito, nanawagan naman si Fuentebella sa publiko na huwa ipasawalang bahala ang nakamamatay na sakit at patuloy dapat na sumunod sa mga health protocols.
Nangangamba pa rin kasi ang alkalde na kasalukuyang kumakalat ang virus ngunit hindi lamang ito agad na ndedetect dahil sa mahinang testing capacity hinggil sa COVID-19 sa naturang lugar.
Sa ngayon, nakahanda naman umano ang LGU-Sagñay na magbigay ng tulong sa pamilya ng naturang biktima.