Tiniyak ng Department of Agriculture (DA) na nananatiling sapat ang suplay ng mga produktong agrikultural sa bansa sa kabila ng umiiral na krisis sa Gitnang Silangan.

Ayon kay Agriculture Secretary Francisco Tiu-Laurel, mayroong reserbang suplay ng mga produktong agrikultural na tatagal ng hanggang 90 araw. Binigyang-diin din nito na walang dapat ipangamba ang publiko pagdating sa suplay ng bigas dahil kasalukuyang nasa kasagsagan ang panahon ng anihan.

Dagdag pa ng kalihim, nananatiling matatag ang suplay ng iba pang pangunahing produkto tulad ng mais, asukal, sibuyas, at iba’t ibang gulay.

Sa kabila ng mga pangamba dulot ng sitwasyon sa ibang bansa, nilinaw ng DA na wala itong nakikitang dahilan upang tumaas ang presyo ng mga produktong agrikultural sa kasalukuyan.

Advertisement
Advertisement