NAGA CITY- Nagpapatuloy ang search and rescue operation sa mga natabunan ng gumuhong 12-storey condominium sa Surfside, Florida.

Sa report ni Bombo International News Correspondent Alma Shiela Tosoc, gikan sa Florida, sinabi nito na sa kabila ng mga pag-ulan, hindi nagpapigil ang mga rescuers sa paghahanap sa mga biktima.

Aniya, umabot na sa 12 katao ang kumpirmadong binawian ng buhay, 125 na accounted habang 149 pa an unaccounted.

Dagdag pa nito, na mahina ang pagpapalabas ng resulta ng operasyon dahil idinadaan pa ito sa methodicl process para matiyak na walang error sa pagpapalabas ng impormasyon.

Kaugnay nito, marami pang tumatawag at nagpapaabot ng impormasyon at detalyes sa mga otoridad hinggil sa mga posibleng natabunan ng naturang pagguho ng nasabing building.

Samantala, marami pa ring pamilya ang umaasang makikitang buhay pa ang kanilang mga pamilya.

Mababatid na isa ang pamilya ni Maria Corazon Obias-Bonnefoy sa mga umaasang makikita pang buhay.

Si Maria Corazon Obias-Bonnefoy ay tubong San Jose, sa lalawigan ng Camarines Sur na nakapangasawa at nanirahan sa Florida.