NAGA CITY – Binigyan-diin nang sekretaryo nang Department of Public Works and Highways na hindi solusyon ang tapa-tapal na ginagawa ng DPWH sa mga sira-sirang kalsada sa Andaya Highway.

Sa naging pagharap sa mga kagawad ng media ni DPWH Secretary Vince Dizon, sinabi nito na kailangan ng pangmatalagang kasagutan sa problema lalo pa’t ang publiko ang patuloy na mahihirapan dito.

Dagdag pa ng opisyal, kailangan baguhin ang kaisipan nang mga tao sa DPWH partikular sa trabahong ginagawa ng mga ito.

Sa pag-iinspeksyon rin ng sekretaryo nakita nito na substandard at hindi maganda ang pagkaka-ayos o pagkakagawa ng mga daan na nagreresulta sa pabalik-balik na problema.

Advertisement

Kaugnay nito, nagbabala ang opisyal sa mga tao sa DPWH na gumagawa nang nasabing kalsada na ayusin ang kanilang mga trabaho o mayroon ang mga itong paglalagyan.

Samantala, dumating ang sekretaryo pasado alas 4 ng hapon sa Del Gallego, Camarines Sur kung saan sinalubong naman ito ni Camarines Sur 3rd District Congressman Nelson Legacion
at iba pang opisyal nang probinsiya.

Sinimulan na ni Public Works Secretary Vince Dizon ngayong Biyernes ang paginspeksyon ng Lopez Viaduct sa Quezon Province bilang bahagi ng malawakang pagsasaayos ng Maharlika Highway.

Kabilang din sa ininspeksyon ng Kalihim ang Brgy. Binutasan sa Calauag, Quezon kung saan makikita ang malalaking lubak sa kalsada dala ng ilang taong walang maintenance.

Agad ipinagutos ni Secretary Dizon ang pagpapatigil ng lahat ng palliative repairs sa nasabing highway at magsagawa ng maayos na plano para hindi paulit-ulit ang patse-patseng pagaayos ng mga sira-sirang bahagi ng kritikal na kalsada patungong Bicol.”

Sa ngayon, mahigpit pa rin ang panawagan ni Dizon na ayusin nang mga taga DPWH ang kanilang serbisyo o trabaho para sa ikakabuti nang publiko.

Advertisement