NAGA CITY- Kasabay ng patuloy na pakikipaglaban sa virus na Covid-19 ay ang pagsugpo rin ng isang bayan sa probinsya ng Camarines sa African swine fever(ASF).
Maituturing na umano ayon sa Department Of Agriculture na nasa second wave na ng ASF ang ilang lugar sa bayan ng Libmanan Camarines Sur.
Ito’y matapos na muling makapagtala ng panibagong kaso ng mga namatay na baboy sa nasabing lugar.
Sa panayam ng Bombo Radyo Naga kay Mayor Bernard Brioso ng Libmanan Camarines Sur, sinabi nito na una ng isinalim sa lockdown ang dalawang barangay na nasa loob ng 1 kilometer radius zone.
Ayon dito, isinailalim na sa culling operation ang halos nasa 10 baboy habang ang iba naman umanong mga baboy sa karatig na barangay ay kinunan na rin ng sample ng Department Of Agriculture (DA).
Sa ngayon mas pinahigpit pa umano ng lokal na gobyerno ang pagtiyak na hindi makakalabas ang mga karneng baboy mula sa mga apektadong lugar.