NAGA CITY- Patay ang isang Security Guard matapos barilin ang kanyang sarili sa Brgy. Tinago, Naga City.

Kinilala ang biktima na si Erick B. Canades, residente ng Balatas sa nasabing lungsod.

Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Naga City Police Office, napag-alaman na bigla na lamang binaril ng biktima ang kanyang sarili habang kausap ang kanyang karelyibong gwardiya.

Kaugnay nito, batay sa salaysay ng katrabaho nang biktima na kinilalang si Noel Taburnal Pontaran, habang nagbabantay umano ito sa kanilang duty post ng bigla na lamang bumalik umano si Canades at kinuha ang kanilang service firearm na calibre 9mm at kaagad na nagpatiwakal sa pamamagitan ng pagbaril sa sarili.

Kaagad naman na nirespondehan ng mga kapulisan ang nasabing insidente kung saan napag-alaman na bago pa ang pangyayari ang nasabing biktima ang itinuturing na responsable sa pananaksak sa kanyang misis.

Sa ngayon, nagpapatuloy pa ang imbestigasyon ng mga awtoridad patungkol sa nasabing insidente.