NAGA CITY- Nagsilbi bilang pagtitipon ng magpapamilya ang naging pagtatapos ng Ramadan sa Fujaria, United Arab Imirates.
Sa report ni Bombo International News Correspondent Aida Babur Andong, mula sa nasabing lugar,lahat ng magpapamilya ang nagsalo-salo kasabay ng nasabing selebrasyon.
Ang Eid al Ftr umano ay ipinagdiriwang ng tatlong araw kung saan ang unang araw ay maaring pumunta sa side ng kanilang asawa ang lalaki, sa ikalawang araw ang pamilya naman ng babae at sa ikatolong araw ang mag-asawa, kasama ang kanilang mga anak ay maaring magdiwang ng magkakasama.
Dagdag pa ni Andong, bahagi naman ng tradisyon ng mga Muslim sa panahon ng Eid Al Ftr ang pagbibigay ng Sadaqah gaya ng bigas sa mga naghihirap na kapwa Muslim.
Napakaimportante naman ng Eid Al Ftr sa mga Muslim dahil nagsisimbolo ito ng pagsasakripisyo, at sa pamamagitan ng pag-aayuno, sinserong paghingi ng kapatawaran ang makakatanggap ang bawat isa sa kanila ng gantimpala mula kay Allah.