Humiling si Senador Jinggoy Estrada sa Sandiganbayan na payagan siyang maglakbay sa Hong Kong, Macau, at Japan mula Marso 31 hanggang Abril 5 habang patuloy ang paglilitis sa 11 graft charges laban sa kanya kaugnay ng umano’y maling paggamit ng kanyang PDAF.

Ayon sa court calendar ng Sandiganbayan Fifth Division, lumahok si Estrada sa paglilitis kasama ang 20 iba pang mga co-accused. Kasalukuyan siyang nakalaya sa pamamagitan ng bail, dahil bailable ang graft.

Hinaharap ni Estrada ang 11 counts ng paglabag sa Republic Act 3019, o Anti-Graft and Corrupt Practices Act, na may kinalaman sa umano’y paglipat ng bahagi ng kanyang PDAF sa mga NGOs na konektado kay businesswoman Janet Lim-Napoles kapalit ng kickbacks. Tinatayang ₱183 milyon ang na-channel sa Napoles-linked NGOs para sa mga proyekto na kalaunan ay napatunayang irregular o hindi naganap.

Noong 2024, napatunayan siyang hindi guilty sa plunder case ngunit guilty sa isang count ng direct bribery at dalawang counts ng indirect bribery. Ang 11 graft charges ay hiwalay sa plunder case at patuloy na nililitis.

Advertisement

Dagdag pa rito, lumitaw noong 2025 ang bagong alegasyon na posibleng may kinalaman siya sa maling paggamit ng pondo para sa flood control projects, bagama’t hindi pa ito naipapasok sa paglilitis. Itinanggi ni Estrada ang lahat ng alegasyon at iginiit ang kanyang kawalan ng kinalaman sa mga umano’y anomalya.

Advertisement