Iginiit ni Senador Robin Padilla na wala pa siyang natatanggap na summons kaugnay ng imbestigasyon sa pag-alis ni Senador Ronald dela Rosa mula sa Senado noong madaling araw ng Mayo 14, 2026.

Ayon kay Padilla, naghihintay pa rin siya na maimbitahan upang maipaliwanag ang kanyang panig kaugnay ng mga ulat na kasama siya ni dela Rosa nang umalis ito sa Senate premises.

Samantala, sinabi ni National Bureau of Investigation (NBI) Director Melvin Matibag na dapat umanong magpaliwanag si Padilla hinggil sa kanyang naging papel sa pag-alis ni Dela Rosa mula sa protective custody ng Senado.

Ayon kay Matibag, si Padilla umano ang “huling kasama” ni Dela Rosa bago ito umalis sa Senado.

Advertisement

Sa hiwalay na pahayag, iginiit ni Padilla na wala siya sa ikalawang palapag ng Senado nang maganap ang insidente ng pamamaril noong gabi ng Mayo 13, at bumaba lamang umano siya upang kumustahin ang ibang senador matapos marinig ang putukan.

Dagdag pa niya, bumalik din siya kay Dela Rosa pagkatapos.

Matatandaan na umalis si Dela Rosa sa Senado pasado alas-2:00 ng madaling araw noong Mayo 14, habang nauna na rin itong inilagay sa protective custody ng Senado dahil sa isyu ng arrest warrant na inilabas ng International Criminal Court (ICC) kaugnay ng umano’y papel nito sa war on drugs. International Criminal Court

Advertisement