NAGA CITY- Nais ngayon ng Kongreso na tuluyan ng maisapinal ang Department of Disaster Resilience sa bansa.
Layunin nito na mas makatulong lalo na tuwing nagkakaroon ng mga hindi inaasahan na mga kalamidad.

Sa panayam ng Bombo Radyo Naga kay Ako Bicol Partylist Rep. Alfredo ‘Pido’ Garbin, sinabi nitong sa pamamagitan ng nasabing departamento, mas

magkakaroon ng isang opisina na tututok sa preparasyon, mitigation, rehabilitation at iba pa tuwing may kalamidad na nangyayari sa bansa.

Ayon kay Garbin, aprubado na ang Department of Disaster Resilience sa House of Representatives ngunit kailangan pa aniya ang aksyon mula sa

Senado para tuluyan na itong maisabatas.

Kampante naman si Garbin na hindi na ito magtatagal dahil maging si Pangulong Rodrigo Duterte ang pabor din aniya sa naturang panukala.