NAGA CITY – Isinagawa ang send off activity para sa mga atleta ng lungsod ng Naga bago umalis ang mga ito para sa Palarong Pambansa 2023 kahapon, ika-dalawamput pito ng Hulyo na isasagawa sa Metro Manila.
Sa panayam ng Bombo Radyo Naga kay Michael Del Rosario, Officer-in-Charge, Education Supervisor for School Governance and Operations Division ng Department of Education (DepEd)-Naga, sinabi nito na nagsagawa muna ang mga ito ng Misa, psychosocial inspiration, para pampalakas ng loob ng mga atleta, coaches, chaperone, at lahat ng mga delegado ng DepEd-Naga para sa nasabing Palaro.
Aniya, nagkaroon rin umano sila ng ritwal katulad na lamang ng paghahawak kamay kada magkakarooon ng send-off ng mga delegado.
Nakumbinsi rin ng mga ito ang dalawang atleta na magbaback out na sana dahil sa hindi umano kumbinsido ang mga ito sa kanilang mga kakayahan.
Sa kabilang banda, nandoon rin ang suporta ng mga magulang, komunidad, Lokal na pamahalaan at iba pang partners na nagbigay ng suporta lalong-lao na sa trainings ng mga ito matapos ang kanilang klase kung kaya naniniwala umano ang opisyal sa kakayahan ng mga atleta ng lungsod na mananalo ang mga ito sa nasabing patimpalak.
Dagdag pa ni Del Rosario, halos lahat naman ng event ay mayroong entry ang lungsod, ngunit sa kasamaang palad tanging ang basketball lamang ang nagqualified sa group sports sa National.
Samantala, ayon naman kay Grace Guevarra, coach ng Taekwondo team, sagot ng LGU-Naga ang lahat ng expenses ng mga atleta na ipapadala sa nasabing patimpalak, at wala umanong ginastos dito ang mga estudyante maliban na lamang pagdating sa kanilang mga personal na allowance.
Ayon pa kay Guevarra, naniniwala ito na kayang ipanalo ng kanilang koponan ang mga laban dahil na rin sa naging sakripisyo ng mga ito lalong-lalo na pagdating sa training na isinagawa lamang nila pagkatapos na ng klase ng mga ito upang maiwasan ang class distruption.
Sa ngayon, panawagan na lamang ng mga opisyal sa mga atleta na magsaya, e-enjoy at ibigay ang kanilang best dahil maliban medalya na maiiuwi nila, mayroon rin itong katumbas na insentibo na inihanda ng lokal na gobierno at ang experience na makukuha nila dito ay hindi rin matatawaran.