NAGA CITY – Napansin na lamang na hindi na humihinga ang isang senior citizen sa San Andres, Quezon habang pauwi sa Pio V Corpus, Masbate.

Kinilala ang biktima na si Sulficia Pagoso, 74-anyos, residente ng nasabing lugar.

Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Quezon Police Provincial Office, napag-alaman na habang bumabyahe ang biktima kasama ang anak nito na si Gelly Pagoso pauwi sa kanilang lugar nang mapansin na lamang ng anak na hindi na humihinga ang kaniyang ina.

Sa inisyal na imbestigasyon ng mga otoridad, nabatid na dahil sa insidente, agad namang dinala sa ospital si Sulficia ngunit kinumpirma ng mga doktor na wala na itong buhay.

Samantala, nabatid din na may iniindang sakit ang biktima.

Sa ngayon, nagpapatuloy pa rin ang isinasagawang imbestigasyon ng mga otoridad.