NAGA CITY – Patay ang isang lolo matapos na mabangga ng tricycle Bula, Camarines Sur.
Kinilala ang biktima na si Francisco Amparado, 76-anyos, residente ng Zone 3, Brgy. San Roque Poblacion, sa nasabing bayan.
Sa panayam ng Bombo Radyo Naga kay PCpt. David Olleres Jr., Deputy Chief of Police ng Bula Municipal Police Station, sinabi nito na habang tumatawid ang biktima sa kalsada sa may provincial road ng aksidente itong mabangga ng tricycle na minamaneho ni Mario Lomeda, 40-anyos, residente ng Brgy. Casugad sa nasabing bayan.
Ayon pa sa opisyal, medyo malabo kaya umano ang salamin ng tricycle ng suspek dahilan kung kaya hindi nito agad nakita si Amparado.
Dagdag pa ni Olleres, may poste naman sana sa lugar ngunit medyo madilim pa rin sa pinangyarihan ng insidente.
Samantala, dinala pa naman sana sa pagamitan ang biktima para sa asistensya medikal ngunit makalipas lamang ang isang oras, ideklara na rin itong dead-on-arrival ng doktor.
Sa ngayon, nagpapatuloy pa ang isinasagawang imbestigasyon ng mga awtoridad hinggil sa insidente.
Sa kabilang banda, paalala na lamang ng opisyal sa lahat na maging maingat sa lahat ng oras upang maiwasan ang ganitong klase ng insidente.